<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=4758020111571035793&amp;blogName=tziejoyce&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=SILVER&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http://tziej.blogspot.com/search&amp;blogLocale=en&amp;homepageUrl=http://tziej.blogspot.com/&amp;vt=5434547753215626139" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>
Announcement Daw. :)
Para sa question and answer portion, iclick mo ang link na to -> link]. Salamat dear. :D
May bago sa Links Nav. Yihee.


"a33 stranded" - Jmie, Teo at Ako
9.28.2009

Defense kasi namin kaya asa skool kami ni Geramie. Maaga pa lang, asa skool na ako; mga 7am siguro yun. Si Geramie naman mga 8am na natapos sa printing niya. Habang hinihintay ko siya, nanood muna ako ng isang episode ng HIMYM. Nung dumating na siya, umakyat na kami para sa defense. Hindi pa nakakapagburn si Jmie kaya kelangan ng laptop ko. Kala ko may kuryente kaya akala ko makakapagcharge ako. Yun pala, wala. 6 minutes left -- ayon, hindi naburn. Haha. Buti na lang may kuryente sa may study hall. Dun kami ngburn. Nakapagburn naman kami kaso nagloko nanaman si laptop. Umakyat na kami at nidiscuss ni Sir ang mga dapat laman at itsura ng docu. At as usual, may mali kami at buti na lang, nakicooperate si laptop at bumukas na siya. So edit2 kami at sinave sa flash disk ni Jmie na 512 MB. Nagmamadali na kami nun at napansin namin na ang lakas ng ulan. Pero dahil gusto namin magdefense, sinugod namin ang lakas ng ulan. Baha na rin sa labas nun kaya sa Adams kami nagpaprint. Nung nasa Adams na kami, nawala ang Flash Disk niyang 512 MB. So no choice kami kundi bumalik ng skool pero hindi na namin nakita ever. Dumaan sila Mario at humeram ng flash disk. Ng nakaheram na kami, bumalik na kami ng Adams pero nagPedicab na kami. 20php each yun ah. Naman talaga. Natapos din naman kami. At nung pabalik na, nagpedicab ulit kami. Ang tagal namin sa pedicab. Iniwan pa kami ni Kuya sa gitna ng daanan. Nakababa rin naman kami ng ligtas. Ayon, takbo kami sa taas para magdefense for 5 minutes. 2 hours editing para sa 5-min defense. Oh well. Nagtext si Teo na asa canteen siya at puntahan raw namin so pinuntahan namin. Naglunch kami. Nagkwentuhan muna at may nadulas. HAHA. Pagtapos nun, nagyayaya na ko umuwi pero sabi nila hindi kami makakauwi dahil sa taas ng baha so nagGS muna kami. Naglaro yung dalawa ng PSP, ako naman ng Left 4 Dead. Nung tinamad na ko, nagyayaya ulit ako umuwi so tinignan namin kung makakauwi kami. Hindi parin. Nagyayaya si Jmie na magStarbucks pa non kaso wala talaga pag-asa. Tinangka namin pero hanggang gate na lang kami. Sabi nung iba, hanggang leeg na raw ang tubig sa City Hall kaya ayon, stuck parin sa skool. Tumawag na Nanay ko nun, dun na lang daw ako matulog kung pwede. At ayon nga, inaanounce na na pwede ng matulog sa skool. Hindi parin ako makapaniwala pero yung dalawa chill lang. Hanggang sa maisip namin kumain pero wala ng canteen. Gutom na kami. Nag SIMS 3 na lang kami. Ginawan namin ang isa't isa ng character. Naubos ata ng todo ang oras namin diyan. Hehe. Narinig namin na kelangan magpalista para sa libreng food kaya hinanap namin si Ateng naglilista. BUti nakaabot kami. So balik sa pagsiSims 3. Tinamad na ko kaya nanood na lang ulit ako ng HIMYM. Dumating na rin pala si Armon nun kasi wala kuryente sa dorm niya kaya pinili na din niya magpastuck sa skool. Nanood kami ng movie, Wrong Turn 2. Kadiri uber. Nagugutom na talaga kami kaya nung dumating na ang noodles for free, kumuha na rin kami. Tapos tuloy sa panonood. Mga 10pm na dumating ang dinner namin. Menudo ata yun at nakakabitin. Buti na lang may Pork and Beans na dala si Armon. Nagchismisan muna kami tungkol sa ******. Hehe. At tuloy sa panood. Nung natapos na, inantok na kaming lahat at natulog. Ang kama namin ay ang mga thesis books na nilatag namin sa sahig. Haha. Ang talino na nga namin eh.

mga 6:45 am na ko nagising. At gising na sina Armon at Jmie. Mga 7:00 am na namin naisipang gisingin si Teo at buti naman, madali namin siyang nagising. Hehe. Kumain na kami ng giniling at hotdog (galing kay Amber). Nung pakain na kami biglang napamura si Teo dahil nga giniling ang kinakain namin at naalala namin ang Wrong Turn 2. Pero keme lang. Kelangan kumain. Unting kwentuhan lang muna at naisipan nanamin umuwi. Inayos muna namin ang gulo na dinulot namin sa GS library at nagpaalam na kay Ate. Sa taas kami ng walls dumaan dahil baha parin sa may Lyceum.

Nakauwi kaming "a33 stranded" ng matiwasay. Salamat kay Lord. :) Kakaibang experience talaga to. :D Narealize ko na kapag kasama ko tong si Jmie, kung ano2ng experience ang nararanasan ko. HAHA. Normal ang buhay namin nung "FO" kami eh. Sobrang nagpapasalamat ako sa kanila dahil hindi nila ako pinakinggan na umuwi. :D

Pagdasal natin ang mga taong hindi kasing swerte namin. :) Pray for the Philippines.

|


    | home |   | profile |   | twitter |   | past |   | links | 

[DISCLAIMER]
Hello. Welcome sa aking blog. Since andito ka, kelangan mong sumunod sa mga rules ko.
Bawal guilty.
Bawal mangopya.
Bawal ang bastos.
Pwedeng magcomment.

Lahat ng nakasulat at nakalagay dito ay akin except na lang kung sinabi kung hindi.

[TUNGKOL SA LAYOUT]
Layout: Beyond Imperfections
Description: Inspired by the Blogger's feelings.


[KREDITS]
Base codes and Layout By tziej
Hosted By Blogger
Comment System By haloscan