<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=4758020111571035793&amp;blogName=tziejoyce&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=SILVER&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http://tziej.blogspot.com/search&amp;blogLocale=en&amp;homepageUrl=http://tziej.blogspot.com/&amp;vt=5434547753215626139" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>
Announcement Daw. :)
Para sa question and answer portion, iclick mo ang link na to -> link]. Salamat dear. :D
May bago sa Links Nav. Yihee.


Biglaan lang.
9.22.2009

Walalang. Biglaan to kaya sa celp0wn ko ako nagbblog. Bakit nga b ako npablog? May naalala kasi ako. Naalala ko siya, kahapon pa at hindi ko mashrug off ang lahat.

Natatakot ako na magkaron siya ng bagong taong magmamahal skanya. Oh ayan, sinabi ko na. Bakit? Hindi ko rin alam. Takot lang ako. Uber takot na nakakaiyak ng isipin. Pero kung tatanungin niyo kung mahal ko pa sya? Pakxet, hindi ko po alam. Hindi talaga. May mga araw na naiisip ko siya, random what if's at could have been ba. Pero alam ko na better to. Noon, naniniwala ako sa second chances. Kaso ngay0n, dahil na rin sa mga pananaw ng mga aking kaibigan ko, ayoko ng maniwala. Bakit, do we even deserve it? At hello, it takes two to tango!

pano na nga ba ulit maniwala? Haha. Nakalimutan ko na. Ultimo ta0ng narinig kung magsabi ng oras, hindi ko na pinapaniwalaan. Nagbago na pananaw ko sa mundo. Ayoko na kasing masaktan ulit.

0o, tama si Xylem ng sinabi niyang nagiging mailap na ko. Natatakot ako masaktan ulit ng ganun. Gustuhin ko man magmahal ulit, takot ako na baka magkamali nanaman ako. Marami ring nagsasabing dapat maging thankful ako sa nangyari, pero sa lahat ng maling nangyayari sa buhay ko, sa event na yun ko sinisisi ang lahat. Kasi naman. Todo na eh. Naiwanan pa. Ako na nga ang niligawan, ang sinuyo at pinafall, ako pa ang naiwan sa bandang huli.

Hindi ako ganto. Hindi ako bitter. Mabilis din ako makalimot. Mapride ako.. Dati. Pero lahat ng ako, nagbago. Gustuhin ko man bumalik sa dati, yung tzie na walang keme sa mundo.. yung walang paki sa kung ano pwedeng mangyari bukas.. yung carefree at can see beyond imperfections, ay hindi na pwede. Tinutulungan ko sarili ko. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, nagpapakaoptimistic ako - na eventually e I'll be okay or that one promise will come true. :( kung pwede ko lang bawiin ang lahat ng nasabi ko at nagawa ko, gagawin ko. kaso walang time machine, bawal replay at 0o, hindi sapat ang sorry to bring back everything. Kaya wala ako magawa. Wala talaga.

sabi ko nga dati, hindi ko naman ginusto magtago ng sama ng loob. Gustuhin ko man magpatawad, napapagod din naman ako. Napagod lang ako na lumapit at gumawa ng aksyon. Hindi ba pwedeng siya naman? Sa lahat ng pagsasakripisyo kung yun, pwede bang kahit unti e masukLian y0n? Kahit unti lang.

Aware naman ako. Sa lahat. Sa dahilan ng lahat. Pero hindi ko rin idedeny ang sakit na mahusgahan ng tao. Siguro, yun din ang dahilan bakit mahirap kumalim0t. Kasi may side comments pa na uber sakit. Hindi nga ba nya ko pinaghirapan? Tinikman lang ba nya ako? Porjosp0rsanto, hindi ako ulam. :( nagmahal kasi ako ng totoo. Hindi siya sigurdong nakalimutan niya un nung minahal niya ko? Peste. Dapat pala hindi na lang din ako nanigurado at pinilit kalimutan si Kenet.

Hindi ko alam kung anong gusto ko ngay0n. Gusto ko lang bumalik yung dati. Yung bago mag October 16, 2008. O di kaya bago mag November 9. O di kaya November 24. Bumalik lang talaga dun, alam ko na magiging okay ulit ang lahat. Walang nawalan. Wala ring nasaktan.

Pinagsisihan ko ba to? Ewan. Pwede dahil ayoko naman talaga mawalan ng kaibigan eh. Pero naging masaya naman ako eh. So hindi ko talaga alam. Hindi talaga.

Sabi ni Sadang, kalimutan ko lang daw yung part na pangit. Pero ayoko. Gusto ko kalimutan yung bu0ng siya at yung 8 buwan na yun. Pwede rin magkaamnesia na lang tapos siya lang. Haha!

Hindi to obsession. Nagmahal lang talaga ako ng todo kasi umasa ako.

So ayon. Ang random ko.

|


    | home |   | profile |   | twitter |   | past |   | links | 

[DISCLAIMER]
Hello. Welcome sa aking blog. Since andito ka, kelangan mong sumunod sa mga rules ko.
Bawal guilty.
Bawal mangopya.
Bawal ang bastos.
Pwedeng magcomment.

Lahat ng nakasulat at nakalagay dito ay akin except na lang kung sinabi kung hindi.

[TUNGKOL SA LAYOUT]
Layout: Beyond Imperfections
Description: Inspired by the Blogger's feelings.


[KREDITS]
Base codes and Layout By tziej
Hosted By Blogger
Comment System By haloscan