<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=4758020111571035793&amp;blogName=tziejoyce&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=SILVER&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http://tziej.blogspot.com/search&amp;blogLocale=en&amp;homepageUrl=http://tziej.blogspot.com/&amp;vt=5434547753215626139" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>
Announcement Daw. :)
Para sa question and answer portion, iclick mo ang link na to -> link]. Salamat dear. :D
May bago sa Links Nav. Yihee.


Unang post sa October!
10.09.2009

dahil lang sa may nagrequest. lol. :))

Oktubre na -- ang aking buwan. At dahil buwan ko to, wala akong balak na masira pa to at magpakalunod sa lungkot at takot na naranasan o maaring nararanasan ko pa ngayon. Sabi nga nila, "shrug it off". :) May mga moments na masaya ako dahil sa mga kaibigan ko, pamilya at kay prospect1. Pero minsan nalulungkot din ako dahil naalala ko ang sakit ng mawalan, mapaasa at maloko. Pero masaya na ako -- dahil sa wakas, natuto na kong mahalin ang mga bagay na mayroon ako sa kasalukuyan. Dahil sa aming dalawa, hindi ako ang talo. Dahil ako ang naging mas malakas at ang natuto na makuntento sa kung anong meron ako.

Hindi ko rin kasi kailangan pa ng makakasama para maging masaya. Kung may mga bagay akong gusto gawin, alam kung may malalapitan ako pero alam ko rin na kaya kung gawin yun mag-isa. Bakit ko nga ba iaasa ang kasiyahan ko sa ibang tao? Minsan, masarap na rin ang maging mag-isa. At least aware ka na walang makakasakit sayo. Kahit anong gawin mo pa, walang taong mampupuna at bibigyan ka ng rason para masaktan. :D Simula nung naging single ako, nagawa ko lahat ng gusto kung gawin. Maglakad mag-isa, manigarilyo at bumili ng mga gusto ko. Mali man ang iba dito, at least nasubukan ko. :)

Kung nagpapanggap man ako ngayon na masaya ako, e bahala kayong isipin yun. Basta ang alam ko, gusto ko maging masaya at yun ang nippursue ko ngayon. Hindi ko kailangan magpaliwanag pa. Kung bitter ako, edi bitter. Kung galit ako, edi galit ako. Raramdamin ko ang gusto kung maramdaman. Bawal epal. :D

So, gudlak sa buhay ko. :D Gudlak din sainyo. :)

|


    | home |   | profile |   | twitter |   | past |   | links | 

[DISCLAIMER]
Hello. Welcome sa aking blog. Since andito ka, kelangan mong sumunod sa mga rules ko.
Bawal guilty.
Bawal mangopya.
Bawal ang bastos.
Pwedeng magcomment.

Lahat ng nakasulat at nakalagay dito ay akin except na lang kung sinabi kung hindi.

[TUNGKOL SA LAYOUT]
Layout: Beyond Imperfections
Description: Inspired by the Blogger's feelings.


[KREDITS]
Base codes and Layout By tziej
Hosted By Blogger
Comment System By haloscan