<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=4758020111571035793&amp;blogName=tziejoyce&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=SILVER&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http://tziej.blogspot.com/search&amp;blogLocale=en&amp;homepageUrl=http://tziej.blogspot.com/&amp;vt=5434547753215626139" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>
Announcement Daw. :)
Para sa question and answer portion, iclick mo ang link na to -> link]. Salamat dear. :D
May bago sa Links Nav. Yihee.


Ang Pagtatapos
1.21.2010

Sa wakas, inabot ko na ang mahiwagang listahan. Kaya eto, looking forward sa susunod na buwan. :D

Limang taon ng paghihirap. Limang taon ng walang sawang pagmomoves, pagdiskarte, pagaaral at pagiyak. Limang taon ng walang sawang pagpupuyat, paghithit ng lead (haha!), pagtusok ng wires sa breadboard, pagpindot ng calculator, pagmememorize ng formulas at terms, pagdurugo ng ilong dahil sa alien language ng ilang mga professor, panginginig sa klase ng mga dakilang terror professors at pagmamahal sa mga tunay na kaibigan. Sa wakas, paalam Mapua na ata ito. :D

Salamat nga naman sa mga taong nagbuo at nagpasaya sa college life ko.

Siyempre, una na sa listahan ang Group A. :D Salamat Jen, Dex, Mikko at Regene. Ang dami na nating pinagsamahan. Ang dami na nating pinagdaanang tampuhang, buisitan pero sa huli, tayo parin ang nagsusuportahan. Forever na ito. ;) Salamat Rob Manila at Manila zoo. HAHA.

Salamat a33 preeens. Aba naman, ang solid natin. Salamat sa walang sawang pambubully at pagtawa tuwing sa iiyak ako dahil malapit na ko bumagsak. Mga leche kayo, magagawa ko kung nakakaiyak dahil sabit ako. Pero salamat dahil hindi kayo naniniwalang babagsak ako. :D Salamat sa pagturo sakin magbisyo, magdota kahit bano ako at mambully. Outing na! Yow, Pat at Jmie. Namiss ko na tayo. Kelan ba niyo ko lilibre ulet? Hihi. Namimiss ko na talaga tayooo. Salamat sa mga naging ex ko! Poooota. Haha. Salamat gelo, naging masaya tayo. :) Sayang tayo noh. Siguro hindi lang talaga meant. Hehe. Nilabs naman kita. :D At kay Eo, wala. may sasabihin ka? HAHAHA.

Yon, IEEE. Ang isa sa mga kumumpleto ng college life ko. Salamat IEEE at ginawa mo akong responsableng tao. Dahil sayo, nagkaron ako ng direksyon sa kung anong gusto ko sa buhay ko. :) Salamat sa mga naniwala na kaya ko maging chairperson. Salamat sa mga walang magawa kundi ang manira at sumita, behlat na lang dahil nakayanan ko. :P Salamat sa pagmamahal.

At siyempre, sa mga naging classmates ko lalo na sa COE BATCH 2005. Yow, we rock! Iba talaga ang samahang COE. :D Eto, sabay sabay tayo mamarcha. Woot woot. :D 4J's, i miss us. Heh, tumigil ka Justin. Tantanan mo ko. HAHA. :D

Mamimiss ko ang buhay kolehiyo. Namimiss ko na ang buhay na to. Mapua, mamimiss kita, kahit ganyan ka. Intramuros, kahit muka kang ghost land, i still lab you. :D Mamimiss ko ang pagkain sa manangs, pancitan, kantunan, nabs, rockers at iba pa. Mamimiss ko ang iskeri building malapit sa Istarbaks. Namimiss ko ang dorm kong bulok. Mamimiss ko ang tambayan, ang 3rd floor North building at GS library. Mamimiss ko kayo Mam Cyrel, Mam Yumang, Sir Glenn at iba pang peyborit profs ko. :D Mamimiss ko talaga ang lahat ng tungkol sa Mapua at Intramuros. Salamat sa mga alala.

Paalam, Mapua. :)

|


    | home |   | profile |   | twitter |   | past |   | links | 

[DISCLAIMER]
Hello. Welcome sa aking blog. Since andito ka, kelangan mong sumunod sa mga rules ko.
Bawal guilty.
Bawal mangopya.
Bawal ang bastos.
Pwedeng magcomment.

Lahat ng nakasulat at nakalagay dito ay akin except na lang kung sinabi kung hindi.

[TUNGKOL SA LAYOUT]
Layout: Beyond Imperfections
Description: Inspired by the Blogger's feelings.


[KREDITS]
Base codes and Layout By tziej
Hosted By Blogger
Comment System By haloscan