<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=4758020111571035793&amp;blogName=tziejoyce&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=SILVER&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http://tziej.blogspot.com/search&amp;blogLocale=en&amp;homepageUrl=http://tziej.blogspot.com/&amp;vt=5434547753215626139" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>
Announcement Daw. :)
Para sa question and answer portion, iclick mo ang link na to -> link]. Salamat dear. :D
May bago sa Links Nav. Yihee.


nagbabalik ako.
1.04.2010

2009, tapos ka na, sa wakas. leche kang taon ka. pumasok ka ng maganda. akala ko naman hanggang ending ka na. aba, kasisimula pa lang e sakit na ng ulo dinala mo. sinaktan mo ako agad sa pagalis ng tiwala ng isa sa pinakamalapit kung kaibigan. pero okay lang. akala mo naman nagpatalo ako dun. naging masaya rin naman ako dahil nainlab ako sa maling tao. pero syempre, dahil malas nga ang dulot mo sa akin, apat na buwan akong walang ginawa kundi ang lumuha. kulang na lang e kolektahin mo ang bawat patak ng luha ko at gumawa ka ng self-made na dagat. loko ka eh. pero sabi ko nga, kapag may nawala, may papalit na mas maganda. nawalan man ako ng mapagpanggap na bespren, nalaman ko naman sino ang mga karapatdapat kung pagkatiwalaan. hindi lang yan ang kinaswerte ko sa buhay. successful din naman ako bilang pormer chairperson ng ieee, ang tanging org na minahal ko ng buong puso. hindi man ako ang pinakamagaling na chairperson, ako naman ang pinakamasaya. :)) naging saksespul din ako sa studies ko. ehem. kahit na wala ka ng ginawa kundi ilagay ako sa bingit ng pagbagsak. dumating din ang swerte ko sa mga susunod na buwan. nagiging one-day millionare ako kada kinsenas. sabay pa neto ay ang pagkakakilala ko sa mga matitinding tao na karapat-dapat respetuhin. :D at ng nawala na ako ng tiwala sa pagibig at na ang mga lalaki ay pinanganak na gago at langya, e sa huling buwan ng taon ay pinatibok mo nanaman si dearest puso.

so okay 2009. pinapatawad na kita sa mga kagaguhan at kapalpakan na dinala mo. in yor peys din sa mga pagsubok na nalagpasan ko. at syempre, salamat rin.

salamat sa pamilya ko na porlayp na andito sa tabi ko.
salamat sa mga tunay na kaibigan.
salamat sa mga bagong kakilala.
salamat sa bagong mga pagkakatiwalaan.
salamat sa kanya na nagpapasaya sa akin kahit maling mali na.
salamat sa pagsubok dahil don, naging mas malakas ang fighting spirit ko.

salamat, pinapatawad na kita at paalam.

at sayo naman 2010, umayos ka. kundi masasaktan talaga kita...

*ayan, nagbalik ako. namura kasi ako sa pagiwan sayo. eto na po ako, nagbabalik at minamahal ang blogger ulit. at, nga pala, may comment box na rin naman ako sa isa kung blog. magcomment ka na rin dun, anonymous. pota. :))

|


    | home |   | profile |   | twitter |   | past |   | links | 

[DISCLAIMER]
Hello. Welcome sa aking blog. Since andito ka, kelangan mong sumunod sa mga rules ko.
Bawal guilty.
Bawal mangopya.
Bawal ang bastos.
Pwedeng magcomment.

Lahat ng nakasulat at nakalagay dito ay akin except na lang kung sinabi kung hindi.

[TUNGKOL SA LAYOUT]
Layout: Beyond Imperfections
Description: Inspired by the Blogger's feelings.


[KREDITS]
Base codes and Layout By tziej
Hosted By Blogger
Comment System By haloscan